Sunday, April 15, 2012

Nakikinig ako ngayon ng "when you're gone" by the Cranberries, hindi ko alam kung bakit araw araw ko na tong pinapakinggan

hindi ko alam kung ano gusto ko isulat at sabihin, pero madami na ako gusto ikwento

sobrang saya ko lang, as in masaya lang, pero kung tatanungin mo ako ngayon kung kamusta na ako, ang sasabihin ko "okay lang ako", tamad lang talaga ako sumagot, parang sa text lang, tamad ako magreply, haha! pero sa totoo masaya ako..

siguro dahil hindi ako mahilig magseryoso ng mga bagay bagay, madali akong sumaya, madali din ako malungkot, pero pag malungkot ako madali akong mapasaya! haha! ganun ako kababaw!

ay monday na naman pala bukas, balik trabaho lang, naisip ko hindi ako nasstress sa trabaho ko, kasi masaya ako sa trabaho ko at sobrang saya lang ng mga kasama ko! as in super!!! sobrang saya lang nilang kasama! haha!!

pero tinatamad ako bumangon ng 4:30am bukas.. haayyy