Sunday, February 5, 2012

PFFFFFFFTTTTT...STOP sign na!

Ngayon na lang ulit ako mag susulat dito, hindi ko alam kung bakit, dahil ba may matinding dahilan?? hahaha! malay ko! para lang ako tanga, may tama, at naloloka! oo naloloka ako ngayon, ang dami ng nangyari sa akin, pero ngayon na lang ULIT (take note thw word ulit) nabaliw ng ganito! ewan ko ba! gusto ko na ngang tumigil eh, kasi hindi humihinto ang utak ko na isipin *siya* HAHAHA!! anak ng tokwa, ako ba to?? hahahaha!!

sabi nga ng driver ng MRT, huwag ho pigilan ang pagsara ng pinto,para di masira!! pero ako kelangan ko ng huminto sa ganitong kabaliwan kundi ang utak ko naman ang masisira! hahaha!!

ang dami kong gusto sabihin sayo, pero kulang ang sampung pahina, para ikwento lahat yun! hahaha!

alam mo na bang grumaduate ako?? hahaha!! oo grumaduate na ako! pero sa kasamaang palad, hindi ko pa nakukuha ang diploma dahil hindi ko pa din alam ang kantang UP NAMING MAHAL at SULONG CAS!! ang tibay ng mukha ko noh?? hahaha!!

alam mo bang online english tutor na ako?? oo sideline ko yun! nakakatuwang isipin noh?? at sobrang dami kong natutunan sa mga Hapon, ang dami ko na din mga kaibigan Hapon, at ito ang isa sa mga trabaho hindi ako magsasawa at hinding hindi ko ipagpapalit!

alam mo bang lab analyst na ako?? hahhaa!! pang matalino ang dating, pero hanggang ngayon di pa rin ako naniniwala na matalino ako! hahahaha! at nag eenjoy ako sa mga taong nasa paligid ko! hahaha! dahil sobrang saya ng mga katrabaho ko kahit minsan sobrang loaded sa trabaho!

ALAM MO BANG SIKAT AT MAYAMAN NA KO?? nakapunta na ko sa EGYPT, GREECE, PARIS! nakita ko na din ang Royal family at nakapag pa picture sa kanil! Taena, kung sino man ang maniwala sa part na to ay isang uto uto, dahil alam naman nating lahat na isa itong malaking kalokohan! HAHAHAHA

hanggang nagyon, di ko pa din naman alam ang gusto kong mangyari sa buhay ko, hindi ko alam kung anong direksyon ang gusto ko talaga tahakin, pero ang lagi ko na lang sinasabi ay LIVE EACH DAY!! LIVE AS IF ITS YOUR LAST DAY! hahaha! oo ganun lang dapat, RELAX lang! simple lang naman ang buhay, hindi dapat gawing complicated :):)

No comments:

Post a Comment