yep,it's food move sytem ang title ng blog ko. Ngayong araw, isa lang kasi ang klase ko, yun ay Bio101, grabe, himala talaga dahil nakinig ako sa bio101, kasi naman sobrang inaantok talaga ako sa subject na yun, tungkol sa proteins ang topic namin kanina, like the "chaperones" aka the mayordorma in the protein folding system, then mga "chaperonins"-the cuter ones and the real katulong, the "Proteasomes" the destroyer then the "Ubiquitin" the markers aka pag mabaho tsugi na. Grabe, tawa talaga ako ng tawa kanina, pero at least naintindihan ko
then right after class, kumain ako sa raymundo sa mga vendors dun,together with kaloy, je, yna, jem and lendl, ang dami kasing mga vendors sa raymundo, tawag namin sa food trip sa raymundo ay move sytsem, yung parang exam sa mga laboratory class ng bio, then ikaw yung magmomove para makapunta sa next question
1st stop: ISAWAN, dapat talaga proben eh :D 10 pesos isang order, 4 pieces na yun :d si kaloy kahit nauusukan na ENGLISH pa din MAN :D
isaw
lakad ng unti
2nd stop: ate na may tindang scramble, quek-quek, at fishaball..umorder ako ng 4 na quek-quek, 2.50 each, at scramble na worth 10 pesos, pero harina naman ang gatas..hahahaha :D
quek-quek
fishball
scramble
lakad ng unti
3rd stop : Cheesesticks, 3 for 5 pesos, pero si Jem lang ang bumili
lakad ng unti
4th stop: Jangge's, nalungkot ako kasi wala ng magluluto, oorder pa naman ako ng HAMBACON egg rice, super sarap din ng mga burgers nila dun at sulit, pati rin mga shake.. So nauwi na lang kami ng pagbili ng shake, isang iced coffee at choco euphorbia at YOSI time, pero sila lang, hahaha
sobrang dami pang pwedeng makainan sa raymundo, bawat kanto dun kainan or restaurant, nandun ang sosyal na Faustina's, ang Melville, siom's Kusina, pansit canton-an, tindero ng santol at rambutan, tindero ng cotton candy, tindero ng pusit na 3 for 10, at tindero ng mais..BASTA madami pang iba at ang maganda dito, lahat pasok na pasok sa budget :D:D
enjoy the rest of your thursday, ay may nakita nga pala ako kanina..hahahaha
all pictures were googled
No comments:
Post a Comment